SMILE

May mga tao ba na nakapagpasaya na sa inyo? May mga nakapagpa-litrato na ba sa inyo na ang sabi ay SMILE? O kaya may nakapagkwento na sa inyo ng masayang alaala? Siguro, lahat ay masayang Alaala ang kinukuwento kasi binabalikan nila para may pang-Reminisce sila sa nakaraan nila... Isipin nyo na lang kung lahat ng mga kaibigan ninyo ay magkuwento sa inyo tungkol sa nadapa kayo sa hagdan or nadulas sa sahig... MYGHAD... Parang mas mukhang masalimuot ang kuwento na yan ah... Dapat ang ikinukuwento ay tungkol sa naging itsura nila noon at ngayon pero baka mas masaktan pa... Ito na lang, yung mga kasalukuyan ninyong buhay... Simulan ninyo sa Hi at Hello tapos tsismis na kayo nang mapasarap... Yan lang ang kalimitang ginagawa ngayon kasi mas mapang-insulto na kasi yung pangangamusta tulad ng "Uy... ANTABA MO NA AH..." Kung ako yan... Magagalit ako... Kasi masyadong personalan kasi... Paalala lang: HINDI LAHAT NG MGA TAO SA PALIGID MO AY SASABIHAN KA NG MAGANDANG KOMENTO, MINSAN KUNG SINO PA YUNG WALA SA PALIGID MO... LALAITIN KA PA... PWE!!! Okay... Back to Reality... Ito naman, sa Litrato... Actually, maraming memories ang nakuhanan ko sa Phone ko tulad ng Oral Defense, CookFest at yung Sabayang Pagbigkas namin noong Grade 11 (last school year) na mas nagiging memorable kapag nagtagal... Siguro ako nga yung taong pwedeng maging Photographer or PhotoJournalist or kahit ano... Pero ako rin yung tipong kukuhanin ang pinaka-Wacky na litrato kasi ako talaga yung malokong tao na kukuhanin pati mga candid kaya marami akong kaklase ang gumagaya sa akin... HAHAHA... Wag akong tularan... HAHAHA baka mahawa... Kaya hindi ko dine-delete yung alaalang yun kasi pambati sa Facebook yun... HAHAHAHA pero ito talaga... Yung tipong hindi mo maiiwasan ang makuhanan ng litrato o ng video yung nakain ng pagkain... Talagang sasabihin mo sa sarili mo na pwedeng i-post sa Twitter o sa Facebook...
Ngunit yung araw - araw na ngiti na naiihatid sa atin ng ibang tao, iba ang feeling kasi may mangangamusta sa iyo, may kakausapin ka, may magpapasaya sa iyo, may magmamahal sa iyo at higit sa lahat ay ang magiging best friend mo... Sana, naiisip natin kung ano pang mga bagay na maaaring magpangiti sa atin na magiging dulot din nang PAGKALIMOT SA PROBLEMA na dinadala natin sa sarili nating balikat... and that topic made me to remind myself of what Ms. Ali Sotto and Mr. Arnold Clavio said to their Program 'Dobol A sa Dobol B' na "KAHIT ANONG PINAGDADAANAN, DAANAN N'YO LANG... and always and forever and don't ever forget that GOD IS SO GOOD, ALL THE TIME..." just before they end their program... kahit paano, sa ganoong paraan, naiisip ko na lahat ng problema, pwedeng mamaya lang or pwedeng itulog muna bago gawin ang mga dapat gawin at pwedeng ikain na lang kasi baka sa sobrang pag - iisip natin, magdulot pa ng stress sa ating sarili... SO DAPAT ITAWA LANG ANG MGA PROBLEMA KAHIT SA TSISMOSA MONG KAPITBAHAY O SA KAAWAY MONG LAGING HILIG AY MANUGOD... ITAWA LANG... Just Smile and Keep the Sunshine Bright...
SMILE...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

I REMEMBER...

ALL ABOUT RANTING...