#AngPaalam: THE GRADUATION EDITION
ang aking kauna-unahang tula... Ang Pagsisikap nating mapabuti ang sarili, Matatapos na lamang sa isang buntong hininga. Sa pag-aaral natin, tiyak kong naibuhos ko Ang lahat ng uri ng pagtitiyaga at pagsisikap. Malungkot na pamamaalam, Malungkot na pagtatapos Dahil sa pagbubukas ng bagong yugto Bagong Yugtong tiyak magiging seryoso tayo Hindi birong pamamaalam Dahil sa maraming alaalang naging makulay Sa lahat ng mga pangyayari Mapa-maganda o masama Sa Huling Yugto ng Pag-aaral ko, batid ko ang lahat ng kasiyahang unti-unting mabubura at mawawala Dahil sa panibagong kuwentong hatid nito. Maraming Alaalang makukulay na magtatapos sa loob ng ilang araw 'Yan ang literal kong nababasa at naririnig Pero hindi pa rin ito alintana. Hindi pa rin ito alintana dahil sa bagong pagsubok at bagong kaalaman hinggil sa pagbabago ng ating buhay. Tagumpay ang magiging pamamaalam Dahil maraming alaala akong babalikan Babal...