#AngPaalam: THE GRADUATION EDITION
ang aking kauna-unahang tula...
Matatapos na lamang sa isang buntong hininga.
Sa pag-aaral natin, tiyak kong naibuhos ko
Ang lahat ng uri ng pagtitiyaga at pagsisikap.
Malungkot na pamamaalam,
Malungkot na pagtatapos
Dahil sa pagbubukas ng bagong yugto
Dahil sa pagbubukas ng bagong yugto
Bagong Yugtong tiyak magiging seryoso tayo
Hindi birong pamamaalam
Dahil sa maraming alaalang naging makulay
Sa lahat ng mga pangyayari
Mapa-maganda o masama
Sa Huling Yugto ng Pag-aaral ko,
batid ko ang lahat ng kasiyahang
unti-unting mabubura at mawawala
Dahil sa panibagong kuwentong hatid nito.
Maraming Alaalang makukulay
na magtatapos sa loob ng ilang araw
'Yan ang literal kong nababasa at naririnig
Pero hindi pa rin ito alintana.
Hindi pa rin ito alintana
dahil sa bagong pagsubok
at bagong kaalaman
hinggil sa pagbabago ng ating buhay.
Tagumpay ang magiging pamamaalam
Dahil maraming alaala akong babalikan
Babalik-balikan ko ang mga litrato't yayakapin
Hanggang sa tuluyan ko itong mabura.
Pero kung ako ang tatanungin,
Hindi ko ito buburahin
bagkus itatago ko pa ito
at ilalagay ko pa sa aking isipan.
Ang bawat pagtatapos,
ay ang pagbubukas ng bagong simula.
Kaya't ating buksan ang pinto
na kung saan tayo ang magbabago ng ihip ng hangin.
Sa pagtatapos ng tulang ito,
iisipin natin kung paano at ano
hinggil sa ating mga alaala
at paano natin babalikan ito?
Babalikan natin ito
buong puso at buong isip
dahil itong mga alaalang ito
ang magsisilbing kuwento ng ating buhay.
#Graduation2018: ANG PAMAMAALAM
MAY 03, 2018
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento