GAMEBOYS: From the One Who Is Victorious to the Thrill of the Chase

THIS IS A CONTINUING BLOG POST ON #GameBoys

This is my Honest Reaction of the next two episodes (Episodes 4 and 5) of GameBoys.


#GameBoysEP4: THE ONE WHO IS VICTORIOUS
From the Cliffhang again to the Continuation.
Tanda n'yo ba yung Brown na Innova tapos hindi si Gav ang nasa loob ng kotse na yun? Doon kasi nagsimula yun kaya lang syempre sa pagpapatuloy ng kiligan, lumabas na inindian si Cai kaya todo-paliwanag naman si bebe niya na si Gav. Syempre, under lockdown, hindi talaga papapasukin si Gav sa Metro Manila dahil sa Bacoor, Cavite ay may extreme lockdown na may maraming kaso daw (diumano) ng COVID-19 sa naturang lugar na iyon.
Ito yung time na akala ng marami ay nagkita na sina Gavreel at Cairo pero wala - pinaasa lang ang marami dahil sa mukha ni Direk Ivan Payawal (hahaha sorry)

Sa ganung dispensa naman, nauunawaan yan dahil talagang lockdown pero kayo, kailan n'yo huling naranasan ang ma-Indian sa pagkikita na hindi natuloy?

Well, going back to the story, nag-Zoom ang tatlo (Pearl, Gav, at Cai). Pero marami akong nabasa sa social media na natatawa dahil dun sa pa-Scavenger Game ni Pearl na ipinakita ni Cai ang condom at rosary which is very Real Quick pero si Gav naman, ipinakita ang lighter at after ipakita ni Cai ang rosary, itinuro naman si Cai as the most beautiful (kung hindi ako nagkakamali ha... hahaha) pero tandaan lasing man o hindi, kung lasing na lasing sa pag-ibig, iba na 'yan. Love na talaga yan.

One of the Best Highlights naman sa GameBoys Episode 4 ay ang pag-heart nina Gav at Cai kasama si Pearl, at ang Virtual Kiss ng tambalang CaiReel. Sa loob ko talaga, binabanggit ko na ang CaiReel is Real.

Pero the downside of the story is nasa last few minutes at yun ay ang pagpasok ni ex sa kwento kung kaya nakilala si Terrence Carreon, gamit ang username na 'GavreelsOnlyLove' na nagpa-irita sa Social Media at nagpa-init ng dugo mula Facebook, Instagram, at Twitter. 
At Cliffhanger again.

GAMEBOYS EPISODE 4: (Credits to The IdeaFirst Company on YT)


#GameBoysEP5: THRILL OF THE CHASE
From the Cliffhang again to the Continuation.
Before tayo magsimula, my impression from the thumbnail is Third Party dahil sa pagpasok ni Ex sa kwento. Sa episode na ito, nagsimula ang kwento sa sana'y maglalaro na ang Ex at ang Present ngunit dahil sa pagiging bastos ni Ex kaya ibinababa na ni Present ang Invitation nito. Maalalang nag-usap si Ex at Present pero pinag-usapan lang nila ay si Gav. Ang nangyari naman ay hindi ma-open ni Cai ang nararamdaman niya kung kaya pinapalampas na niya ito.

Syempre, kung nag-aalala si Gav kay Cai, mas nag-aalala si Pearl para kay Cai dahil syempre shipper naman si Pearl sa Relasyong CaiReel. Ngunit para mabaling ang atensyon ni Cai sa maraming tanong sa utak na ipinasok ni Terrence, gumawa na lang ng paraan sa pamamagitan ng Romantic Calculator, lumabas ang compatibility nilang dalawa ni Cai at ni Gav pero may pahiwatig sa mga linyang "Causing Trouble in a relationship."

Okay. Fast Forward tayo, mga besh kasi habang ginugusto na makipag-kaibigan ni Terrence kay Cairo, binibilog lalo ni Terrence ang utak ni Cairo para mapaghiwalay siya kay Gavreel.

Na-realize ko na minsan sa isang relasyon, hindi mo kailangang magpatinag sa iba para mabilog lang ang utak mo - ang importante ay ang tiwala na mayroon siya para sa iyo.

Sa usaping pampamilya, sabi ni Terrence na super sensitive daw ni Gav sa ganung usapin pero yun ang naging ugat kung bakit naging madrama ang huling mga minuto ng Episode 5. Siguro, hindi ito yung intense pero nakakaiyak na dahil may mga nakaraan na hindi na dapat binabalikan na siyang magiging daan upang masira ang relasyon. May mga salita man na binitawan pero sana natutunan din natin kung bakit minsan may mga taong sensitive sa usapin ng pamilya.

Sometimes, you need to open up to make things work again after you broke.
Tandaan, sa isang relasyon, walang tama at walang mali. Tama lang na ikaw ay magkamali sa ginawa mo ngunit kailangan mong matutunan ito.

Bawi ka lang sa pagkakamali, Cai.
Suyuin mo at baka magkabalikan kayo pero sana si Terrence 
ay hindi na magbalik pa para makipagkaibigan sa iyo.

Walang Cliffhanger, pero may sakit na naidulot sa damdamin.
Rating it as 10/5 (grabe diba)

GAMEBOYS EPISODE 5: (Credits to The IdeaFirst Company)


BY THE WAY, Episode 6 is next to react after the YouTube Premiere. 
Thank You for Reading this latest and new Blog Post.

CREDITS TO The Ideafirst Company's YouTube Videos.
This Reaction is based on what is inside of my mind. So if my grammar is wrong, please bear with me
especially because I've written this reaction in mixing terms of Tagalog and English.
Thank You, God Bless and Keep Safe.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

I REMEMBER...

ALL ABOUT RANTING...