USAPANG PAG-IYAK
Umiiyak ka ba dahil sa Quarantine? O Dahil sa Problemang Dala-dala mo?
Minsan ang pag-iyak ay isang normal na gawain natin dahil kailangan nating ibuga ang mga bagay-bagay na nagpapabigat sa ating dibdib. Humahanap tayo ng paraan na umiyak sa paraang hindi dapat tayo makita ng kung sino maski ng magulang mo, ayaw kang nakikitang umiiyak.
Umiyak ka lang nang mag-isa dahil hindi ka pinagbabawalan ng mundo na gawin ito. Minsan, maiisip mo na lang, Bakit kailangan nating harapin ang problema? Siguro ang sagot ay para ikaw ang makaranas na sumagot sa problema mo dahil kapag wala na sila, paano ka? Kapag mag-isa ka sa bahay, paano ka?
Isipin mo na lahat ng tao ay umiiyak - yung iba diyan, nagpipigil lang para hindi masabihang mahina ka. Tandaan mo, ang pag-iyak ay hindi nakakapagpahina bagkus ito ang nagpapalakas sa atin para maitama natin minsan ang mga naging pagkakamali natin at mapagsisihan natin kung anumang kasalanan ang ginawa natin sa kanila at sabihin natin ang mga katagang patawad o sorry.
Mahirap pasukin minsan ang gulo na siyang magpapahamak sa pangalan mo o sa dignidad mo. Mahirap panindigan ang mga mali kung alam mo sa sarili mo na kahit kailan ay magiging mali ka at ikaw ang hahanap ng paraan para maitama ito.
Ako man ay nahihirapan din pero kinakaya ko ang mga problema. Sana kayo rin.
Ako man ay nasasaktan din pero kinakaya ko pa rin. Sana kayo rin.
Ako man ay nagkakamali pero tinatama ko rin. Sana kayo rin.
at Ako man ay humihingi ng paumanhin. Sana matanggap ninyo.
Kung umiiyak ka dahil sa Quarantine, isipin mo na lang na malapit na at makakatakas ka na sa mala-kulungan mong lugar. Pero hangga't tayo'y nasa bahay lang, sana maisip natin kung gaano kahirap sa atin ang maitama ang mga naging pagkakamali natin.
Naiiyak ka na lang nang hindi mo pinapansin.
Luha mo ma'y bigla-bigla na lang pumapatak, hayaan mo lang.
Kung iniisip mo na pasan-pasan mo ang daigdig, huwag mong isipin.
Bagkus maging masaya ka dahil ligtas ka sa bahay mo.
Hindi ka lumalabas at may koneksyon pa rin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento