MAHIRAP TALAGA ANG WRONG TIMING


MAHIRAP TALAGA KAPAG WRONG TIMING
                Bakit kanyo? Kasi marami ang umasa na pupunta sila sa isang lugar na kung saan makakapagkita sila, makakapag-usap sila o kaya ay may gagawin tungkol sa school man ‘yan o sa trabaho. “UMASA KA LANG KASI SA WALA” at yan din minsan ang hugot ng karamihan sa atin… Hindi ko alam kung bakit… dahil siguro sa experience nila ng WRONG TIMING…
                Minsan nga, tayo pa ang nagiging dulot kung bakit nagkakaroon ng wrong timing lalo na sa pag – ibig (AGAIN… SINGLE PA AKO)… kasi meron na palang iba nung inamin mo na magkakatuluyan kayo… YAN ANG WRONG TIMING… dahil hindi mo muna kinamusta kung kalian nagmahal na siya ng iba at nakapaghiwalay ka pa sa jowa mo… MASHAKHETH… kasi sa feeling pa lang, mas mararamdaman mo na ang sakit lalo na kapag umaasa ka tapos habang nagdurugo, ipagdidiinan pa nang todo kaya halos mabutas na ang puso na patuloy na sinasaksak…
                 ONE MORE THING, lalo na kapag sa mga usapan ng grupo… kapag sinabing ALAS – OTSO, DAPAT ALAS – OTSO… hindi eh… LOLOKOHIN KA LANG… kasi yung alas – otso na usapan ng mga miyembro ng grupo… minsan alas – nuwebe na o kaya alas – dose… ABA GRABE KAYO… pero meron din naming leader ng grupo na mahigpit kaya minsan may multa pa kada minute kunwari ito, PERSONAL EXPERIENCE LANG… kasi nung nakaraang practice namin ng cheerdance, 15 minuto akong na-late… tapos pinagbayad lang ako ng 15 Pesos kasi one peso per minute yung patakaran kaya ayon… BAYAD NAMAN AKO… at hindi nagrereklamo… AKO AY ISANG TAONG TAPAT NA MAMAMAYAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS… kung nalalate kayo, magbayad lang kayo, hindi naman kayo kakainin… pero kung feeling ninyo, kakainin na kayo, mag-sorry kayo kasi UMASA LANG SILA TAPOS MALALALATE KA PA… PAGKAKAMALI MO NA YAN…
                WRONG TIMING DIN ANG PILIPINO KAPAG MAY PLANADONG LAKAD ANG ISANG TAO… tulad ko lang… Yung may gagawin ka sa school tapos yun pala magbabantay ka pa ng bahay ninyo kasi walang tao sa bahay… SO KAILANGAN DAW MAGING PROTEKTADO SA GAMIT… so ganun nga… BASED ON MY PERSONAL EXPERIENCE… kasi kinakabahan ako kung manakawan ako sa bahay eh hindi pala naka-lock ang bahay… so talagang nakamonitor ako sa CCTV ng bahay namin kaya nagdasal ako tapos biglang dumating ang lola ko galing doktor sa San Pablo… tapos naging kampante ako tapos biglang nawala sa frame yun pala nagbebenta ng gas… HAHAHA… ang tawa kong tunay at hindi ko malilimutan yun…
               WRONG TIMING DIN ANG MGA ESTUDYANTE KAPAG MAY PERFORMANCE TASK SILA TAPOS NASINGITAN SILA NG MGA TEACHER NILA NG ASSIGNMENT NA KASABAY NA GAGAWIN NG PERFORMANCE TASK NILA… Ooopsss… HINDI PO KAMI MULTITASKER… DAHIL MAS SANAY KAMI NA GUMAGAWA SA ISANG ASIGNATURA LANG… pero bilang Humanista ng Laguna College Senior High, sanay na kami sa MULTITASKING and I am proud of it… pero minsan hirap na rin kami, mas namomotivate kami sa hirap na pinagdadaanan naming dahil mas naniniwala kami na “MOTIVATION IS A KEY TO SUCCESS” na kahit tambakan pa kami… hindi kami nawawalan ng pag – asa na matapos yun…
                YET… HINDI LAHAT NG WRONG TIMING AY NAKAKAMALAS SA MGA KAGUSTUHAN NATIN… TIYEMPO LANG YAN AT MAGIGING PERFECT TIMING DIN SA MGA GINAGAWA NATIN… JUST REMEMBER THAT POINT OF VIEW OF MINE… LAST ONE NA LANG… IF YOU THINK NA MAGRO – WRONG TIMING KA, JUST MAKE YOUR PLANS GOOD AND APPROPRIATE PARA HINDI KAYO MAGKAMALI SA MGA MOVES NINYO… YUN LANG MUNA ANG AKING MGA OPINION AND REALIZATION TUNGKOL SA WRONG TIMING AND WITH A USE OF PERSONAL EXPERIENCE, NATUTUNAN KO NA DAPAT LANG NA MAGING TAMA ANG MGA MOVES NATIN…

BYE…
x

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

I REMEMBER...

ALL ABOUT RANTING...