FEB-IBIG FEELS

MAHAL MO NGA PERO ALAM BA NIYA?
One Question Asked na may meaning na ikaw ay nagmamahal ng palihim pero hindi ibig sabihin ay mahal ka niya pero ang ibig sabihin ay mahal mo pero palihim. Nasa mundo na tayo at henerasyon na naglalaro ng tagu-taguan pero sa kakaibang edisyon na nakikipagtaguan na tayo ng feelings o nararamdaman sa kaibigan natin. Alalahanin natin na ang tagu-taguan ay isa sa mga larong pambata pero ngayon ang nararamdaman o feelings na ang laro ngayon pero hindi ko sinasabing kapag nahuli ka o nataya ka eh ikaw naman ang maghahanap sa kanya - malay mo, sabay pala kayong naghahanapan sa larong ito. Sabi nga sa kanta ni Moira - masarap magmahal pag hindi iniwan - pero pahiwatig sa kanta nito'y ibalik sa nakaraan nung di mo iniwan at nung panahon na hindi mo pa siya pinapakawalan. Masakit pa nga sa isang relasyon ang hanggang kaibigan lang pero kapag ganitong oras ng taguan, ito yung sikretong malupit na hindi pwedeng ibulong dahil sa dulo, kapag nalaman niya na mahal mo siya pero may iba na siya, masakit sa feeling kasi ikaw ang umasa at gumawa ng magandang galaw para maging kayo pero hindi pala. 

Buti na lang, single ako kasi ako ang nagmamahal sa sarili ko bukod sa pamilya ko at kaibigan ko. Single ako kasi feeling ko hindi pa ako handa to find someone to the point na ako ay wala pang alam when it comes to the relationship na obviously nagsisimula as friends and then merong mga magka-relasyon na nagsisimula sa text which is commonly effective na or nagsimula sa facebook then naging sila na after mag-Getting to Know Each Other. And other one commonly obvious is yung alam mo sa sarili mo na marupok ka then you answered agad na Yes... jusko... Pinoy nga naman... 😂😂😂. 

And one thing, being Single is the Safest Relationship dahil unang-una, kapag Valentines Day, iniisip mo ang sarili mo compare to those who are In A Relationship na gagastos ng pang-date pero masaya ang pagiging single dahil ang kasiyahan namin ang pamilya namin na sinasandalan namin. 

Then kapag mga monthsary or anniversary (kapag nagtagal ang relasyon), bibili ng regalo para sa kanilang mahal - samantalang ang single na tulad ko, Very Independent at Tamang Self Treat lang kasi doon namin nare-realize na mahal namin ang sarili namin sa ganung paraan na binibigyan namin ang sarili namin ng magandang treat tulad ng pagbili ng chocolates or kahit anong food na gusto namin. 

At isa pa, kapag vacation or long weekend tapos magkasama ang mag-jowa - the perks of being single sa part namin is tamang bahay or include na rin ang Self Treat kasi pwede kang maggala nang mag-isa sa tourist destination na gusto mo basta magpapaalam sa magulang dahil may mga magulang na strikto at maunawain sa anak.

At kapag mga away ng magjowa, syempre hindi nila tayo idadamay dahil magjowa lang sila compare sa single na nakikipag-away sa pamilya or sa kaibigan dahil yun lang ang forte ng mga single na tulad ko.

At kapag Valentines Day, nagbibigay si Jowang Lalaki sa kasintahan ng mga chocolate at flowers dahil yun ang kanilang regalo - ang sweet diba tapos kapag single walang paki kahit kainin ay ice cream o kaya yung mga isaw lalo na kapag nagtitipid or hindi feel yung excited ng presensya ng PayDay.

To Conclude, Single status persons has many perks - pwedeng mawalan ng pakialam sa magjowa pero hindi trabaho ang paghiwalayin ang magjowa kasi those perks mentioned are just the works that made us realize in the future.

-nsubida❤️❤️❤️
x

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

I REMEMBER...

ALL ABOUT RANTING...