MGA KABATAAN NGA NAMAN NGAYON...

            Kamakailan lang daw... may nahuling dalawang vape ang isang Grade 6 Teacher dito sa Rizal, Laguna... sabi ko sa sarili ko... "Grabe na talaga ngayon..." at TALAGANG GRABE NA NGAYON ANG MGA KABATAAN dahil pabata na ng pabata ang nagamit ng mga sigarilyo, nainom ng alak... Parang Testing lang daw kasi pinangako nila na hindi na sila gagamit muli sa ikalawang pagkakataon... pero ano na ang nangyayari?

              Isipin ninyo... ANG YOSI NA HINITHIT... ay may nikotina (nicotine) na tila nagiging adik daw ang gumagamit ng sigarilyo... Pero base sa lumabas na datos ng 2015 Global Youth Tobacco Survey na inilabas din ng ABS-CBN Online, lumalabas na nasa edad 13 hanggang 15 na taong gulang ang may pinakamaraming bilang ng mga kabataang gumagamit ng yosi. Ngunit 2015 pa yun... Paano na ngayon? Isipin muli ninyo na siguro... kung lumabas ang bagong survey ngayong 2018, siguro nasa 13 hanggang 15 anyos pa rin ang pinakamaraming bilang pero mas lalo pang dumami. Palagay ninyo sa puntong ito... Ano ang inyong Opinyon? Para sa akin, isang tanong lang... Paano ba ititigil ng mga kabataan ang paninigarilyo dahil isa din sila sa nagiging dulot ng tinatawag nating "Air Pollution" o yung maruming hangin na nalalanghap natin dahil sila ang baka magbigay pa sa atin ng sakit. One point para sa subtopic kong ito, yung bilang ng mga namatay dahil sa Lung Cancer at isa sa mga dahilan kung bakit may mga taong nagkakaroon ng ganitong uri ng sakit ay dahil sa paglanghap o paghithit ng sigarilyo. Isipin mo na lang kung sa isang kaha ng sigarilyo ay nagkakahalaga ng PhP 160 tapos ilan ang laman... siguro nasa 16... tapos sa panahon ngayon ang gobyerno ay hindi pa rin nahihirapan sa pagpapaalala sa mga kabataan tungkol sa hindi paggamit ng sigarilyo, masamang epekto ng sigarilyo at iba pa... Masakit isipin na humantong sa pagsulat ko ng Blog ang tungkol sa Dalawang Grade 6 Students na gumagamit ng Vape or E-Cigarettes, paano kung ang baterya nun ay sumabog... Iniisip ninyo ba ang hinihigop ninyo at ibinubuga ninyo? Hindi sa ako ay nagagalit ngunit naglalabas lang ng sariling opinyon. Sana kung ikaw ay nagbabasa ng Blog na ito, hindi ka rin gumagamit at nagagalit sa mga gumagamit... Suportado ko kayo... pero sa mga user ng sigarilyo na nakakabasa ng blog na ito, sana naisip ninyo kung kayo ay nagkasakit... diba? BEST LESSON KUNG IKAW AY MAGKAKASAKIT PA... HAHAHA... Peace lang po... Pero ito talaga... Best Lesson ang pagtigil sa paninigarilyo dahil mas ligtas ka pa sa mga sakit.. at kung nagpapatuloy pa... abangan lang... basta si Lord na lang ang bahala... 

NATHANIEL SUBIDA
February 3, 2018

Pinagkuhanang Source: 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

I REMEMBER...

ALL ABOUT RANTING...