OPEN LETTER TO ALL:
THIS IS MY STATEMENT
Ang pagsabi ko ng hindi maganda
ay tila masakit na nangyari mula sa mga naganap noong Bisperas ng Pasko...
Nakasakit ako ng damdamin, hindi ko ramdam kasi mas inisip ko ang mga mali o
yung mga naging pagkakamali ng isang grupo sa nangyari. Hindi ko lang napigilan
ang magalit dahil naging observer din ako nang matagal na panahon (4 years-mula
nung niyaya ako ng choir natin) at lahat ng mga naobserbahan ko ay successful.
Kung pinairal ko ng buong puso ang mga mali, mas inisip ko rin ang comparison
ko between my group and their group. Hindi sa paninira pero totoo ang mga
nasabi ko.
Ang issue sa
Saxophone-Piano-Choir tandem ang isa sa mga napanggigilan ko. Pagkakamali rin
nila kasi alam kong perfectionist ako - ika nga nila... Pantay Pantay ang
pagtingin ko sa choir at sa instruementalist.
One another issue ang
Competition - "It is not a Competition, it is just a service." Hindi
ko inasahan na mababanggit ko ang deserving issue ng High Mass... Every
Christmas Eve, ang grupo na nasabi ko ang kumakanta. Remembering nung Last Year
dahil nasabihan ko din sila ng Good Luck and God Bless. Ito, Good Luck lang...
So, pinairal ko ang inggit at pananakit ng damdamin. Hindi ko inasahan ng todo
na makakasakit ako ng damdamin.
Next Issue, POWERPOINT. I know I
am perfectionist but please let me give them a tip from me. Being a Good
Presenter, they should check and be meticulous from Slide to Slide and their
issue also in their Projector. Actually, I need to comment about their mistakes
- kasi ang tunay na presenter ay laging handa (parang Boy Scout lang or Girl
Scout lang). Ihanda lang lagi at walang 30-Minute Preparations - make it 1
HOUR. Tingnan ninyo ang nangyari sa kanila - wala pang Salmong Tugunan,
tinanggal na nila agad eh ang ganda na ng presentation nila. Actually, I am
disappointed and confused so please accept my comments.
Sana sa Open Letter na ito,
nakain ko lahat ng sinabi ko kaya buong puso akong naga-apologize sa lahat ng
mga nangyari. Naliwanagan ako bigla after ng mga lumabas na comments ng isang
grupo sa facebook na panay parinig about our Criticism pero hindi pa rin
maiiwasan ang mga patama nila na nanggaling kay Krystal na dahil sa pag-leave
niya (Actually, hindi issue yun para sa akin) ay naliwanagan din sila at
natutunan nila ang pagkakamali nila. Di bale na, ang importante ay natapos na
ang isang event. Isang event muli ang paghahandaan.
Sa Kasalukuyan, nagagalit ako
kay KRYSTAL dahil alam kong kakampi na niya ang St. Michael Choir at kung siya
ay aalis sa ating choir, wala akong pakialam. Hindi na rin ako nakikialam sa
mga paratang nila sa akin. Ang importante, nagagawa ko ang aking trabaho ng
tama at nararapat. Kaya sa susunod, alam kong naging perfectionist ako at
naging mataas ang tingin ko sa sarili ko. There are many issues against me.
"Ma-Pride daw ako... OO..." "Makapal na masyado ang mukha ko...
OO" lahat yun natanggap ko mula sa loob at labas ng simbahan at
eskwelahan. Dahil ang iniisip ko ay ang takbo ng misa. Tila isang palabas lang
ba ang lahat? Hindi ganoon... Ang akin lang ay maipahayag ko nang tama ang
aking gusto at kung nakasakit ako ng damdamin ko, sorry... Masyadong Sensitive
si KRYSTAL kasi hindi na siya pinapansin ng choir natin. OO, tama ang nabasa mo
o ninyo, hindi na siya pinapansin dahil sa mga issues against her - yung
pagboboyfriend niya over choir service. Hindi ko matiis na ilabas ang galit
kasi ayaw ko talaga sa kanya.
Kinapalan ko lang sadya ang
aking mukha para matakpan naman ang taba at pairalin ang tama hindi ang puro
mistakes. AGAIN, Like I said in the open letter, "I AM PERFECTIONIST"
kahit hindi ako tunay na perfect. So, sa lahat ng natamaan kong tao, SORRY...
Alam kong sa akin nagsimula ang issue na ito para mailabas ko ang damdamin ko
pero buong puso akong humihingi ng tawad sa isang grupo para mapagsabihan. I am
Perfectionist sa isang bagay (Pero Much Meticulous akong tao). Hindi ko pwedeng
ipahiwatig ng harap-harapan. Tila nabastos nila ang pasko ko pero hindi na ako
maghahanap ng maling ganti kundi ang paghahanda ng Pagsalubong sa Bagong Taon
ang ating kailangang harapin dahil alam kong magbabagong taon na at yun lang
ang aking masasabi. WALA AKONG PAKIALAM SA KOMENTO NINYO. Yun ang nasabi ko
pero kung nakikialam kayo o makikialam pa lang kayo... sorry, hindi ko
napansin. Pinairal ko ang PRIDE kaya pagpasensyahan nyo na. Ako lang ay tao
din... Naglilingkod din ng tama... pero unlike my job in one day with my choir
in church was really a kind of MULTITASKING. Hindi biro ang trabaho ko kaya
sorry sa nasaktan ko.
YUN LAMANG AT MAGANDANG GABI PO SA ATING LAHAT
PAGPALAIN TAYO NG PANGINOON!!!
Nathaniel Subida
Decemeber 26, 2017
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento