USAPANG PAG-IYAK
Umiiyak ka ba dahil sa Quarantine? O Dahil sa Problemang Dala-dala mo? Minsan ang pag-iyak ay isang normal na gawain natin dahil kailangan nating ibuga ang mga bagay-bagay na nagpapabigat sa ating dibdib. Humahanap tayo ng paraan na umiyak sa paraang hindi dapat tayo makita ng kung sino maski ng magulang mo, ayaw kang nakikitang umiiyak. Umiyak ka lang nang mag-isa dahil hindi ka pinagbabawalan ng mundo na gawin ito. Minsan, maiisip mo na lang, Bakit kailangan nating harapin ang problema? Siguro ang sagot ay para ikaw ang makaranas na sumagot sa problema mo dahil kapag wala na sila, paano ka? Kapag mag-isa ka sa bahay, paano ka? Isipin mo na lahat ng tao ay umiiyak - yung iba diyan, nagpipigil lang para hindi masabihang mahina ka. Tandaan mo, ang pag-iyak ay hindi nakakapagpahina bagkus ito ang nagpapalakas sa atin para maitama natin minsan ang mga naging pagkakamali natin at mapagsisihan natin kung anumang kasalanan ang ginawa natin sa kanila at sabihin natin ang mga katagang pat...